Saturday, July 17, 2010

Gulo

gulong gulo ngaun ang mga braincells ko.
sa hindi ko maipaliwanag na pang-yayari , bigla nalang umuwi ang hampaslupa kong workless/tambay na kapatid na nurse (je3 jowk lang) dito sa ilokos. ewan ko ba sa babaitang igorot na yan, matapos ba namang mag-aral na apat na taon ng nersing sa maynila. eh mas gusto ba namang magtrabaho bilang kahera sa jolibee. punyemas. sabagay hindi ko sha masisi dahil talaga namang madugo ang trabaho ng mga nurses ngaun dito sa pilipinas, bukod sa pahirapan na ang paghahanap ng trabaho ay kailangan mo pang mag-volunteer w/o salary(kaya nga volunteer dba?, duh ! ) kung sakaling payagan ka ng hospital, letseng mga hospital yan, ke choosy ha!.
At kung sakaling payagan ka namang mag-volunteer ay punyemas wala kang gagawin sa walong oras mung shift kundi mag-regulate ng swero buong araw. oh kaya'y mag-drain ng mga ihi ng mga pashente, maglinis ng sugat , oh kaya'y ishave ang bulbul ng mga magpapatanggal ng mattres . hindi naman sa pang-iinsulto sa mga kaliga kong nurses, ngunit dadaptwa gayun-paman sa kabilang dako ng libo-libong isla ng pilipinas kailangan na talaga nating pigilan ang mga magulang natin sa pamimilit at pagtuturture sa kanilang mga anak para lang makumbinse nilang mag-nursing sila.

ako, honestly katulad rin ako ng kapatid kong maitim na pinilit lang ng isang boung angkan namin para lang mag-nursing, ikaw ba naman ang bigyan ng ganitong option.

A. mag-nursing ka , promise wala ka ng gagawin sa bahay.
B. wag kang mag-nursing,wag ka nang mag-aral
C. punyemas, lumayas ka na sa harap ko.

shempre, no choice ang lolo nyo. napa cge na nga ako. at dun na nagsimula ang kalbaryo ko. je3.
mahirap talaga ang nursing, yun ang totoo. wag na tayong mag-pakaimpokrito. ikaw ba naman ang magbasa nang pagka-kapal kapal na Punda, Patho,MatAndChi,Pedia,MedSurg at kung anik-anik pang libro, ewan ko nalang kung dka tubuan ng mga pimpols na sing laki ng nunal ni madam gloria.susmarya! pero habang tumatagal, wala ng nagawa pa ang mga braincells ko at na-invade na sila ng aking malaking puso. at napamahal na sakin ang aking prrrrrrropessssyyyun. (iw).

anyways, yun nga umuwi ang babaitang kapatid ko, since taga-maynila na sya,at ako probinsyano. nasulsulan nya akong bumili ng ipod touch dahil antigo na raw ang ipod nano ko. hay putangina. wala na akong nagawa dahil sa mga oras na ito, nasa central nervous system ko na si luciper at gustong-gusto ko nang bumili ng ipod touch, ju3 inis-na-inis talaga ako sa kapatid kong to, may sa demonyo yata at ang galing makipag salestalk. anyways yung pera kong pambili ng ipod touch ay ipon ko talaga para sa bago kung laptop. sa kasawiang palad, kailangan ko munang i-delay ang laptop for 1 more year. hay.

sha nga pala, gusto ko lang itanong,na try mu na bang ma-inlove sa love ng kaibigan mu(oh sige actually hindi pa love, siguro like lang) so yun nga, yung like mo karelasyon ng kaibigan mu. at ang masaklap pa dun, ikaw ang nagsulsul sa like mo na ligawan ang kaibigan mu. dumating nalang ang araw na narealize mu na like mu na pala siya. well masakit yan brad. alam mu kung bakit? kasi yan ang situation ko ngaun. hay(buntung hininga) sana lumipas na to. anyways happy parin ako at sobrang excited sa aking ipod touch. je3.


0 comments: