Friday, July 16, 2010

gudbye muna goldie.

dahil sa mga kagaguhang ginawa ng mga kagrup kong nursing students na pagtatago sa selpon ko na inakala kung nanakaw, na sa kasamahang palad ay nagdulot ng malaking kahihiyan sakin at malaking problema sa isang tricycle driver na pi-na-blotter ng mga mapag-mahal kong mga magulang dahil sa pag-a-a-kalang sha ang nag-nakaw ng aking mamahaling high-end na selpon(ang yabang....char!) napagdesisyonan ko sa tulong ng aking panaginip na hinahabol ako ng isang karo ng patay, dapat ko nang i-set-free si goldie.

sino si goldie?
si goldie ang mamahalin kong selpon , makinis pa sha hanggang ngaun, kulay ginto at black na samsung, iisa palang ang gasgas nya na super liit as in microscopic lang na gasgas. binili ko yung selpon na yun bilang regalo ko sa sarili ko nang mag-caping and pinning ako nung third year , sa makatuwid wala pang anim na buwan sa akin si goldie. sa tuwing nilalabas ko ang selpon ko habang naglalakad at nagtetext sa hallway ng aming school lahat ng mata ay nakatitig sa kanya. kumbaga sha ang ladygaga ng mga selpon sa school.

maraming beses na ring muntik maghiwalay ang aming landas ni goldie. isang beses ay noong nasa tutuban ako. sa harap ng tutuban mall ay maraming kainan , at dun muntik hambalusin ng isang kargadur ang bag ko para lang makuha si goldie. mabuti nalang at mukha akong anghel at nakuntento nalang yung lalaki sa aking alindog( alindog kajan?!).


pero seryuso ako. aminin na natin ang mga iilang magagandang bagay sa mundo ay talagang mainit sa mga mata ni snatser. magnanakaw . mandurugas . luciper atbp. kung kaya naman napagdesisyonan ko nang i-set-free si goldie, kahit masakit sa aking esopagus ay papakawalan ko na sya upang hindi na muling malagay sa peligro ang aking buhay (wow!, lovestory?)

sa halip na mag-mukmuk ako at lumuha ay nag-google nalang ako at nagblog-hop at dun ko nakita ang aking bagong mahal.(online live story . je3)
sana po ay huwag nyo shang husgahan.
huwag nyo namang sabihin na kaypanget ng ipinalit ko kay goldie.
eto po sya, ang kanyang pangalan ay si
BLACKY

okey, fine ang panget nya talaga,
pero
ika nga ng kasabihan.
humanap ka ng panget at hindi ka iiyak.


0 comments: