Saturday, March 13, 2010

RE: bakit hindi ako nag-fa-farmtown


habang nag-blo-blog-hop ako,may nabanga akong blog (http://caracasniabe.blogspot.com) so binasa-basa ko yung mga post ni kuya na nakaka-aliw, hanggang sa may nag-pakinang sa aking mga cute na mata , isang post ni kuya , ang title:Bakit Wala Akong Farmville?
hindi ko alam pero sobrang nakarelate ako kay kuya, ang tangging kaibahan lang namin ay meron akong facebook account ang kaso zero ang friends ko, bakit? wala lang.

eh kasi naman ginagamit ko lang yung account na yun para iview at icopy yung mga picture ng mga kleyente ko (actually yung mga kaibigan ko lang ) para sa aking mga picture editting projects.

isa pang pagkakapareho namin ng kuyang yun ay: ang hindi ko pagka-karelate sa mga kaibigan ku tuwing recess , nagmimistulang alien ako tuwing pinagkwe-kwentuhan nila kung gaanu na kalawak ang kanilang mga hacienda.

oo, naiintindihan ko na inutus ni madam gloria na magtanim tayo para maiwasan ang globbal warming, oo, nagtanim nga kayo , sa farmtown naman. ano kaya yun.

0 comments: